November 22, 2024

Home FEATURES

Ina, may open letter sa pastor dahil sa umano'y pambubully ng church members nito

Ina, may open letter sa pastor dahil sa umano'y pambubully ng church members nito
Photo Courtesy: Freepik (FB)

Naglabas ng bukas na liham ang isang ina para sa isang pastor ng simbahan dahil sa umano'y pambubully ng mga miyembro nito.

Sa Facebook post ni Remedios Mondia kamakailan, mababasa ang sentimyento niya sa isang pastor na nagngangalang Ptr. Rolando Garcia at CEO ng Big Brew.

Makikita kasi sa mga screenshot na ibinahagi ni Remedios na pinagdidiskitahan umano sa isang group chat ang isang larawan.

“I feel obligated to address a serious concern regarding the behaviour that has been observed within your church. It appears that bullying is being tolerated. This troubling behaviour undermines the very values I think you're aiming to support as a church,” saad ni Remedios.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

“As a leader, your role carries great influence, and I believe it is crucial to cultivate a community built on love, respect, and support. Bullying, in any form, is harmful and contradicts the teachings of compassion and kindness that I hope your church stands for,” aniya.

Kaya naman, hinimok ni Remedios si Rolando na mag-reflect sa isyung ito hindi lang bilang pastor kundi bilang indibidwal na may kapangyarihang humulma sa environment ng isang simbahan.

“I urge you to reflect on this matter, not just as a pastor, but as someone who has the power to shape the church's environment. Creating an inclusive, loving space should be a priority, where members can uplift each other, not tear one another down.”

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag ang pastor hinggil sa nasabing isyu. Bukas ang Balita para sa kaniyang panig.