January 03, 2025

Home SPORTS

After 28 years: Thomasian student, naka-gintong medalya sa World Taekwondo Junior Championship

After 28 years: Thomasian student, naka-gintong medalya sa World Taekwondo Junior Championship
Photo Courtesy: World Taekwondo (FB)

Isang makasaysayang tagumpay ang nakamit ng Pilipinas sa larangan ng taekwondo matapos magwagi ni UST Lady Jin Tachiana Kezhia Mangin ng gold medal sa 2024 World Taekwondo Championship noong Oktubre 4 sa  South Korea.  

Tinalo niya si  Kim Hyang-gi ng South Korea, 2-1, sa final bout ng Women’s 49-kg category. 

Ang pagkapanalo ni Mangin ay nagtapos sa gold medal drought ng bansa mula nang huling magtagumpay si Alex Borromeo sa Men’s 47-kg division noong 1996. Si Mangin ang kauna-unahang Flipina na nakatayo sa podium, ayon sa UST.

Ayon sa ulat ng Varsitarian, hindi raw alam ni Mangin na 28 years na pala ang nakalipas mula noong nanalo ang bansa sa taekwondo.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

“I did not know that the drought was that long. My taekwondo bosses told me only when I won the gold,” ani Mangin. “Winning the gold felt surreal and knowing the historic achievement felt unbelievable.”

Matapos ang tagumpay, nakatuon ngayon si Mangin sa 2028 Los Angeles Olympics at sa 2025 Southeast Asian Games sa Thailand. 

Naniniwala siya na ang kaniyang tagumpay ay magiging inspirasyon para sa susunod na henerasyon ng mga taekwondo athletes, tulad ng naging inspirasyon sa kaniya nina Kurt Barbosa at Tshomlee Go, na kapwa Olympians. 

"I just want to contribute a little to Philippine taekwondo on the world stage. I hope this opens the opportunity for the Philippines to achieve more in international tournaments,” aniya.

Mariah Ang