Ipinagtanggol ng University of the East- Manila Student Council ang komedyanteng si Awra Briguela matapos kuwestyunin ng mga netizen ang pagsusuot niya ng female school uniform.
Matatandaang inawra ni Awra ang sarili habang nakasuot ng school uniform na pambabae, dahil sa kaniyang student era.
Ilan sa mga netizen ang nagtaas ng kilay kung bakit pinayagan daw ng paaralan ang cross-dressing ni Awra.
Agad namang naglabas ng opisyal na pahayag ang UE Student Council at kinondena ang anumang porma ng gender discrimination.
"Everyone deserves a safe and inclusive environment—where no one is left behind or discriminated against, regardless of their identity," anila.
MAKI-BALITA: Awra Briguela, inawra pagbabalik-eskwela; umani ng reaksiyon sa netizens