July 23, 2026

Home BALITA

Northeasterly windflow, patuloy na umiiral sa Extreme Northern Luzon

Northeasterly windflow, patuloy na umiiral sa Extreme Northern Luzon
Courtesy: PAGASA/website

Patuloy pa rin ang pag-ihip ng northeasterly windflow sa Extreme Northern Luzon ngayong Huwebes, Oktubre 10, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA). 

Sa tala ng PAGASA dakong 4:00 ng umaga, malaki ang tsansang magdudulot ang northeasterly windflow o ang hanging galing sa hilagang-silangan ng malamig na temperatura at maulap na kalangitan na may kasamang mga pag-ulan sa Batanes, Apayao, at Cagayan.

Posible raw ang pagbaha o kaya nama'y pagguho ng lupa sa mga nasabing lugar tuwing magkakaroon ng katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan.

Samantala, inaasahang makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na may tiyansa ng isolated rainshowers o thunderstorms sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa dahil sa localized thunderstorms.

Maaari rin magkaroon ng pagbaha o pagguho ng lupa rito tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms, ayon sa weather bureau,

National

'Kiyapo,' lalakas bilang tropical storm; signal no. 1, nakataas na!

Sa kasalukuyan ay wala namang binabantayan ang PAGASA na alinmang bagyo o low pressure area (LPA) sa loob man o laban sa Philippine area of responsibility (PAR).