Napa-second look ang mga netizen sa mga larawang ibinahagi ng chef-content creator na si "Ninong Ry" sa kaniyang latest Facebook post.
Makikita kasi sa dalawang larawang kalakip nito ang pag-flex niya ng isang dokumento.
Inakala ng mga netizen na nag-file ng certificate of candidacy (COC) ang content creator para tumakbo sa 2025 midterm elections.
Pero sa ikalawang larawan, ibang COC pala ito; certificate of cooking recipe para sa "binangkal!"
Akala pa naman ng netizens, isa na si Ninong Ry sa social media personalities na sasabak na sa politika, kagaya na lamang ni Rosmar Tan-Pamulaklakin na kakandidatong konsehal sa Maynila, at si Diwata, na 4th nominee ng Vendors party-list.
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.
"The best ka talaga lods,it's a sign of generosity."
"VOTE FOR BINANGKAL RECIPE! thank you Ninong!"
"Support for binangkal recipe, thank you ninong Ry at masubokan."
"Ito yung coc na gusto ko haha thanks for sharing"
"Akala ko nag file kana rin ng kandidatura para sa nalalapit na halalan."
Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa 45k laugh reactions at 3.1k shares ang nabanggit na post.