"In good terms na sila?"
Iyan ang tanong ng mga netizen matapos mamataang magkasama sa isang club ang "sisterets" na sina Sarah Lahbati at Kyline Alcantara.
Naging usap-usapan kasi kamakailan ang pag-unfollow daw nila sa isa't isa, sa hindi pa malamang dahilan.
Nagatungan pa ito nang mabalitaan ding inunfollow daw ni Kapuso star Bea Alonzo si Kyline.
MAKI-BALITA: After ni Sarah Lahbati: Bea Alonzo, inunfollow si Kyline Alcantara?
Sa TikTok video na ibinahagi ng isang netizen ay makikitang tila okay naman ang dalawa habang masayang nakiki-jamming sa kantahan.
"Kyline with Sarah Lahbati Last night ganap," mababasa sa caption ng netizen.
Tinanong naman ng isa pang netizen ang uploader kung bago ba ang video.
"last night po," paniniyak nito.
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.
Samantala, wala pang reaksiyon o pahayag ang dalawa patungkol sa unfollowing issue.
KAUGNAY NA BALITA: Kyline Alcantara, Sarah Lahbati in-unfollow ang isa't isa?