May 28, 2025

Home SHOWBIZ

Marian Rivera muling kinabog TikTok makeup transformation; may hamon sa followers

Marian Rivera muling kinabog TikTok makeup transformation; may hamon sa followers

Tila trendsetter na ulit ang latest TikTok video ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera matapos niyang ipasilit ang tinawag niyang “inner Teacher Emmy,” bilang promosyon ng kaniyang award winning na pelikulang “Balota” na muling ipapalabas lahat ng sinehan sa bansa sa darating na Oktubre 16, 2024.

Umabot na sa 5.5 million views ang nasabing newest content ni Marian matapos niya itong i-post noong Miyerkules, Oktubre 9, 2024.

Mapapanood sa naturang video kung paano ipinakita ni Marian ang unti-unti niyang makeup transformation hanggang sa maging in character ni Teacher Emmy. Animo’y isang gurong sugatan, bugbog sarado, isang botante at yakap ang ballot box.

Tila may hamon ding iniwan sa caption ang CINEMALAYA Best Actress sa kaniyang followers.

Relasyon at Hiwalayan

H2wo, hinikayat ang publiko na iligtas ang ex-jowang si Mika sa PBB

“Ang pinakabonggang transformation na pipiliin ko ay isasama ko sa premiere night namin sa October 11. G?” saad ni Marian.

Nakatakda ang premier night ng Balota sa Oktubre 11, 2024 na gaganapin sa Gateway Cineplex Cinema 11, Cubao, Quezon City. 

Kate Garcia