May 22, 2026

Home BALITA Internasyonal

Labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia, bawal iuwi sa Pilipinas; 9 na Pinoy nasa deathrow pa

Labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia, bawal iuwi sa Pilipinas; 9 na Pinoy nasa deathrow pa
Photo courtesy: wikipedia and pexels

Matapos tuluyang mabitay ang hindi pinangalanang Pinoy sa Saudi Arabia noong Sabado, Oktubre 5, 2024, napag-alamang hindi rin umano maaaring maiuwi ang kaniyang labi, alinsunod pa rin sa batas ng Kingdom of Saudi Arabia. 

Taong 2020 nang masintensyahan sa kasong murder ang nasabing Pinoy, matapos umano niyang paslangin sa pamamagitan ng martilyo ang kaniyang business partner matapos daw ang hindi pagkakaintindihan ng dalawa. Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), hindi nagpa-areglo ang pamilya ng biktima nang tanggihian nito ang ang alok na “blood money.” 

Samantala, ilang local media ang naglabas ng ulat na hindi rin maaaring maiuwi ang mga labi ang nabitay na Pinoy dahil sa batas ng Saudi Arabia. Hindi naman nabanggit  kung anong batas ng naturang bansa ang sumasaklaw sa pagpapauwi ng bangkay ng isang executed inmate pabalik sa sarili nitong bansa. 

Kinumpirma naman ng Embahada ng Pilipinas sa Riyadh, na may siyam pang mga Pilipino ang nakabinbin umano sa death row sa Saudi Arabia kung saan isa sa mga ito ay nahaharap pa rin sa kasong murder. 

Ayon sa ulat ng isang international news media outlet, umabot na sa 199 katao ang nabitay ng Saudi Arabia ngayong 2024 kung saan 32 sa mga ito ay binitay noong buwan lamang ng Setyembre. Mas mataas umano ito sa naitala ng bansa noong 2022 kung saan 196 ang kabuoang nasintensyahan ng bitay sa loob ng isang taon.  

Internasyonal

WHO, nababahala sa ‘scale and speed’ ng Ebola outbreak; 134 suspected deaths naitala

Kate Garcia