July 13, 2026

Home BALITA National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol
Courtesy: Phivolcs/website

Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang probinsya ng Ilocos Norte nitong Huwebes ng madaling araw, Oktubre 10, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 3:40 ng madaling araw. 

Namataan ang epicenter nito 16 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Bangui, Ilocos Norte, na may lalim na 9 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensity II - Pasuquin at City of Laoag, ILOCOS NORTE

National

Bukod sa impeachment charges, kasong sedisyon vs VP Sara, pending pa rin—DOJ

Intensity I - San Nicolas, ILOCOS NORTE

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks o pinsala ng lindol.

Ngunit posible raw na magdulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.