May 22, 2026

Home BALITA National

Guanzon, binalikan dating pahayag ni Willie hinggil sa politika: ‘Igiling-giling talaga!’

Guanzon, binalikan dating pahayag ni Willie hinggil sa politika: ‘Igiling-giling talaga!’
P3PWD Party-list nominee Rowena Guanzon at "Wil To Win" TV host Willie Revillame (file photo; MJ Salcedo/BALITA)

Binalikan ni P3PWD Party-list nominee Rowena Guanzon ang naging pahayag ng "Wil To Win" TV host Willie Revillame hinggil sa politika noong 2021 matapos nitong maghain ng kandidatura sa pagkasenador para sa 2025 midterm elections.

Sa isang Facebook post nitong Miyerkules, Oktubre 9, inilakip ni Guanzon ang isang bahagi ng naging pahayag ni Revillame noong Oktubre 7, 2021 ukol sa hindi raw niya pagpasok sa politika: “Kung sakaling tatakbo ako sa senado baka wala rin naman ako maiambag na batas, o dumating yung time na sayang din yung boto niyo sa akin.”

“[Tapos] nagfile ka kahapon sir, igiling giling talaga,” caption naman ni Guanzon sa kaniyang post na tila pagbibigay-reaksyon sa naturang pahayag ni Revillame noong 2021.

Matatandaang sa huling araw ng certificate of candidacy (COC) filing noong Martes, Oktubre 8, ay humabol si Revillame upang ihain ang kaniyang kandidatura sa pagkasenador.

Ani Revillame, tatakbo umano siya para sa Senado sa 2025 midterm elections para sa “mahihirap.”

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

“Ano ba ang purpose ng isang senador? Hindi ako abogado, hindi ako nakatapos, pero ang purpose dapat ng bawat senador, bawat nagpa-public servant, bawat namumuno sa local government, mabuting puso ang mayroon ka. Ang lagi mong iniisip 'yong mga kababayan mo," saad ni Revillame.

MAKI-BALITA: Willie nag-file ng COC, ibinunyag nag-udyok para tumakbong senador