May 28, 2025

Home BALITA Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar
photo courtesy: RMN Tacloban/FB

Natagpuang patay ang isang 64-anyos na senior citizen sa dalampasigan ng Brgy. Carayman, Calbayog City, ayon sa isang local news.

Ayon sa ulat ng RMN Tacloban, natagpuan ang bangkay ng biktimang pinangalanang "Dess," residente ng Purok 6, nitong Miyerkules, Oktubre 9,

Sa nakuhang impormasyon, alas-12 ng tanghali nang makita ng kapatid ni Dess na naliligo sa dagat ang biktima. Makalipas ang ilang oras, naramdaman umano niyang wala na ang kapatid at agad itong hinanap.

Natagpuan ang biktima sa dalampasigan dakong alas-4 ng hapon na wala nang buhay.

Probinsya

Lucena City Hospital Bill, pirmado na ni PBBM

Dagdag pa ng RMN Tacloban, nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya hinggil sa sanhi ng pagkamatay ng senior citizen. Tinitingnan din kung may nangyari umanong foul play sa insidente.