Niyanig ng 4.8-magnitude na lindol ang baybaying sakop ng Davao Occidental dakong 3:22 ng hapon nitong Huwebes, Oktubre 10.
Base sa tala ng ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tectonic ang pinagmulan ng lindol.
Namataan ang epicenter nito 374 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Balut Island sa Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 227 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks o pinsala ng lindol.