January 22, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Sparkle naglabas na ng pahayag kaugnay kay Julie Anne San Jose

Sparkle naglabas na ng pahayag kaugnay kay Julie Anne San Jose
Photo courtesy: Screenshot from TikTok/Sparkle GMA Artist Center (FB)

Naglabas na ng opisyal na pahayag ang Sparkle GMA Artist Center patungkol sa kontrobersiyal na performance ni Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose sa Nuestra Señora Del Pilar Parish.

Batay sa pahayag na naka-post sa official Facebook account ng talent management arm ng GMA Network, Oktubre 9 ng 10:23 ng gabi, ay inaako ng Sparkle ang lahat ng mga nangyari at wala umanong kasalanan dito ang singer-actress. Ginawa lamang daw ni Julie ang kaniyang trabaho bilang isang professional.

Isang debotong Katoliko rin si Julie Anne at wala raw siyang intensyong bastusin ang simbahan.

"We are truly sorry to those who have offended. We hope that this puts the issue to rest. We apologize to Julie Anne as well," anila.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

"Moving forward, we will be more vigilant in our coordination efforts to ensure such incidents do not happen again."

Samantala, sa ulat ng PEP ay sinabi nilang wala na raw balak pang magsalita ni Julie Anne personally kontra sa bashers niya.

Hindi nagustuhan ng maraming netizens ang tila "concert" daw ng singer-actress sa loob ng simbahan, lalo na't ang mga binirit niya ay "Dancing Queen" ng Abba at "Edge of Glory" ni Lady Gaga.

Isa pa sa mga sinita rin sa kaniya ay kaniyang kasuotan.

MAKI-BALITA: Julie Anne San Jose, dedma sa bashing ng 'pa-concert' sa simbahan

MAKI-BALITA: Julie Anne San Jose, binatikos dahil sa 'pa-concert' sa loob ng simbahan