December 22, 2024

Home SPORTS

May nandura? Komosyon sa pagitan ng UP, La Salle coaches, lumala!

May nandura? Komosyon sa pagitan ng UP, La Salle coaches, lumala!
Photo courtesy: UAAP Media Bureau and Reyland Torres (IG)

Hindi pa tapos ang komosyon sa pagitan ng top seeded teams na University of the Philippines Fighting Maroons at De La Salle Green Archers matapos lumutang ang alegasyong isang coach umano ang nandura sa braso ng isang player.

Matatandaang bahagyang nahinto ang dikdikang laban ng UP at La Salle noong Linggo, Oktubre 6, 2024 matapos magkagirian ang coaching staffs ng dalawang koponan sa hindi tukoy na dahilan.

Sa kasagsagan kasi ng post-game interview, naging matipid ang sagot ng dalawang koponan hinggil sa tunay na dahilan ng nasabing komosyon.

KAUGNAY NA BALITA: ‘Hindi na raw tungkol sa basketball;’ Coaching staff ng La Salle, UP, nagkaduruan!

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Samantala, ilang videos naman ang nagkalat sa social media na umano’y nagpapakitang dinuruan umano ni DLSU Green Archers Head Coach Topex Robinson si UP guard Reyland Torres.

Ayon sa ulat ng isang lokal media outlet, si Torres umano ang naunang magsimula ng gulo matapos ang tila pag-bad mouth daw niya habang nakatakip ang jersey sa bibig, na siya umanong naging dahilan kung bakit siya sinigawan ni Topex.

Hanggang ngayon, hindi pa rin naglalabas ng panayam ang naturang head coach ng La Salle.

Pormal na rin umanong naghain ng reklamo ang Fighting Maroons na nagsumite na raw ng formal letter University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Executive Director Rebo Saguisag noong Martes, Oktubre 8, 2024.

Ayon kay UP assistant coach Christian Luanzon, bukod sa letter of complaint, may kasama umanong kopya ng video ang kanilang isinumite sa board na kanila umanong nakalap bilang ebidensya.

“Basically, ang pinakalaman noong letter na ‘yun obviously is to review ‘yung nangyari nung third quarter, and, if I am not mistaken, at the same time, nagpadala rin kami ng video na na-gather namin,” saad ni Luanzon sa panayam sa isang local radio show noong Oktubre 8, 2024.

Hangad umano ng tropa ng Fighting Maroons na masuspinde si Topex sa loob ng dalawang laro.

Kate Garcia