January 22, 2025

Home BALITA

Lacson, tila nagpatutsada sa ilang nag-file ng COC: 'The following are not disqualified...'

Lacson, tila nagpatutsada sa ilang nag-file ng COC: 'The following are not disqualified...'
Photo courtesy: via MB/Mary Joy Salcedo/BALITA

Usap-usapan ang tila pasaring na X post ng nag-aasam na makabalik sa senado na si dating senador at presidential candidate Panfilo "Ping" Lacson patungkol sa ilang mga nag-file ng certificate of candidacy (COC) para sa 2025 midterm elections.

Inisa-isa ni Lacson ang ilan sa mga hindi raw disqualified na makatakbo sa alinmang posisyon sa pamahalaan, batay na rin sa Saligang Batas ng Pilipinas at Omnibus Election Code.

Aniya, "The filing of certificates of candidacy ended yesterday, Oct 8. According to the Constitution and the Omnibus Election Code, the following are not disqualified: Clowns, Congenital liars, Kleptomaniacs, Sex maniacs, Those unable to understand what they read and write."

Isang netizen naman ang sumingit, "You forgot, drug lords too."

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Tugon naman ni Lacson, "Yes, how could I overlook that?"

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Sir, if you are elected, would you care to amend your authored reso pertaining to liquidation by certification?nakakaumay kasi yung Congress, puro batikos sa pondo ng ibang ahensya, eh yung budget nila certification lng sapat na.."

"How about political dynasties? It’s in the constitution, unfortunately, the past and current crops of ruling politicians have been avoiding to create an enabling law because they themselves belong to those families. I pity our country."

"Nakakalungkot nman halos clowns Ang nakapagfile ng candidacy. Congrats sa Pinas, it's more fun in the Philippines talaga!"

"Sad for this country because Comelec still allow some candidates having these traits and characteristics to file and run."