Nahingan ng reaksiyon si Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose kaugnay sa bashing na natatanggap niya noong Oktubre 6, kung saan nagtanghal ang singer sa “benefit concert†na isinagawa sa Nuestra Señora Del Pilar Shrine, Mamburao, Occidental Mindoro.
Hindi kasi nagustuhan ng karamihan sa mga netizen ang ginawa ni Julie Anne na bumirit ng "Dancing Queen" ng Abba at "Edge of Glory" ni Lady Gaga, idagdag pa ang outfit daw niya na sinita ang mataas na slit gayong nasa loob nga ng simbahan.
Hindi raw maitatangging mahusay si Julie Anne subalit sana raw, hindi niya ginawa ito sa loob ng church at sa harapan pa ng altar.
Ayon sa ulat ng PEP, hiningan nila ng panig ang handler ni Julie Anne sa Sparkle GMA Artist Center, at ayaw na raw magbigay pa ng tugon, reaksiyon, o pahayag si Julie Anne sa kaniyang bashers.
Naglabas na rin ng opisyal na pahayag ang Sparkle patungkol dito.Â
READ: Sparkle GMA Artist Center’s... - Sparkle GMA Artist Center | Facebook
Depensa pa nila, lahat daw ng mga kinanta at suot ni Julie Anne ay may approval mula sa organizers nito.
Samantala, wala pang reaksiyon o pahayag ang Simbahang Katoliko patungkol dito.Â
MAKI-BALITA:Â Julie Anne San Jose, binatikos dahil sa 'pa-concert' sa loob ng simbahan