Tahasang nagsalita si World’s No. 3 Pole Vaulter EJ Obiena tungkol sa mga umano’y malisyosong istoryang idinidikit sa kaniya at kay two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo.
Matatandaang magmula nang pumutok sa social media ang isyu ng pamilya Yulo, ay naging laman ng kabi-kabilang kontrobersiya ang dalawang atleta tungkol sa kanilang pribadong buhay at mga product endorsements na hindi maiwasang ipagkumpara ng netizens.
Sa kaniyang Instagram post nitong Miyerkules, Oktubre 9, 2024, ipinunto ni EJ ang umano’y limang katotohanan sa pagitan ng kaniyang relasyon kay Caloy at kung paaano raw ito nasasamantala bilang “misleading stories.”
“I have hoped and tried to stay silent and not fuel anymore of the misleading stories,” ani EJ.
Ikinalulungkot din umano niya kung paaano inaabuso ang mga umano’y maling istorya sa kanilang dalawa ni Caloy upang magamit lamang ito para makakuha ng likes and shares sa social media.
“It’s a sad state of affairs when stories are fabricated to get clicks and likes and shares. Journalism is a noble profession driven by FACTS. It’s a shame it is sometimes abused.”
Samantala, malinaw naman niyang idinitalye ang limang punto hinggil sa isyu na pilit ikinakabit sa kanilang dalawa ni Caloy.
“So, this is the ONLY statement I am going to make on the issues. There are the facts. So everyone knows,” saad ni EJ.
Sa nasabing post, una niyang iginiit na matalik na umano silang magkaibigan ni Carlos at mananatili umano ito hanggang sa mga susunod pang dekada.
“I am friends with Caloy and have been for many years. And for decades to come.”
Igiinit din niya na hindi umano siya nakikipag-kompetensya kay Caloy at isa umano siya sa mga pumapalakpak sa tagumpay na ibinigay ng Olympic champion sa bansa.
“I am friends with Caloy and have been for many years. And for decades to come.I am friends with Caloy and have been for many years. And for decades to come,” ani Obiena sa kaniyang ikalawang pahayag.
Binigyang-diin din niya ang umano’y hindi niya pagkomento sa private life ni Caloy dahil ito raw ay dapat manatiling pribado at hindi dapat panghimasukan.
“I don’t comment on my private life and I certainly don’t want outsiders commenting on it. That’s why it’s called 'Private life.' It’s personal. It’s nobody else’s business. Because I embrace these values, I never comment on someone else’s personal life. I HAVE NEVER MADE A SINGLE COMMENT regarding Caloy’s private life and I never shall,” saad ni EJ.
Dagdag pa niya, alam niya umano kung kailan dapat itikom ang kaniyang bibig lalo na sa usapin ng pribadong buhay ng ibang tao.
Tila nagpasaring din siya sa umano’y mga istoryang ginagawa umanong drama, hinggil sa mga post niya sa kaniyang mga social media accounts.
“If you ever want to know what I say, come here or my other social media and you’ll see it. If some click bait site is making up stories to suck you into the drama, recognise it for what it is. It’s abuse. It’s not journalism,” ani Obiena.
Sa pagtatapos ng kaniyang pahayag, binanggit din niya itigil na umano ang mga maling drama na ipinapakalat upang makakuha lamang ng advertising.
“Let’s focus on cheering our athletes on, instead of creating false drama to sell advertising space,” saad ni EJ.
-Kate Garcia