November 23, 2024

Home FEATURES Mga Pagdiriwang

BALITAnaw: International Lesbian Day, paano nga ba nagsimula?

BALITAnaw: International Lesbian Day, paano nga ba nagsimula?
Photo courtesy: Pexels

Ipinagdiriwang tuwing Oktubre 8, ang International Lesbian Day—isang pandaigdigang selebrasyon ng kasaysayan, pagkakaiba-iba, at kultura ng lesbianismo.

Ang araw na ito, na kinikilala sa buong mundo, ay unang nagsimula sa New Zealand noong 1980, bagama't ang eksaktong pinagmulan nito ay nananatiling hindi malinaw.

Ayon sa pinakatanggap na bersiyon ng Queer History Project ng New Zealand, unang ipinagdiwang ito noong March 8, 1980, sa pamamagitan ng isang martsa ng 40 lesbians sa Wellington's Central Park.

Mula rito, inilipat ang selebrasyon sa October 8, eksaktong anim na buwan matapos ang International Women’s Day.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: Pregnancy and Infant Loss Remembrance Day, kailan nga ba nagsimula?

Unang lumipat sa Australia ang selebrasyon noong 1990, kung saan ginanap ang International Lesbian Day sa Collingwood Town Hall sa Melbourne, tampok ang mga musiko, mga palengke, at mga pagbasa ng tula.

Layunin ng mga event na ito na itaguyod ang lesbian visibility at markahan ang pagkakaisa ng mga kababaihan.

Ipinagdiriwang ang International Lesbian Day bilang pagkilala sa mga kontribusyon at pagkakakilanlan ng mga lesbians sa iba’t ibang bahagi ng mundo, mula sa kasaysayan hanggang sa kasalukuyan.

Mariah Ang