November 22, 2024

Home BALITA National

Abalos, tiwala sa kakayahan ni bagong DILG Sec. Jonvic Remulla

Abalos, tiwala sa kakayahan ni bagong DILG Sec. Jonvic Remulla
photos courtesy: Benhur Abalos/FB

Tiwala si dating DILG Secretary Benhur Abalos sa kakayahan ni bagong DILG Secretary Jonvic Remulla na kaya nitong magampanan ang tungkulin sa ahensya.

Nitong Martes, Oktubre 8, pinangunahan ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. ang panunumpa ni Remulla bilang bagong kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Papalitan ni Remulla si Abalos, na kakandidatong senador sa darating na 2025 midterm elections na siyang bahagi ng senatorial slate na inendorso ng administrasyon.

Sa isang pahayag nitong Miyerkules, Oktubre 9, sinabi ni Abalos na masaya siya at panatag na iaabot ang tungkulin kay Remulla.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

"Masaya ako at panatag na iaabot ang tungkulin bilang kalihim ng DILG kay Secretary Jonvic Remulla na tiyak na magpapatuloy ng mga reporma na ating inilatag at isinulong sa loob ng mahigit dalawang taon," saad ni Abalos.

"Mahirap man ang trabaho ng isang DILG secretary, tiwala ako sa kakayahan ni Secretary Jonvic. Mapagtagumpayan niya ang hamon ng tungkulin sa tulong ng mga kawani ng DILG at iba't-ibang ahensya na nakasama natin at ngayon ay makakatuwang naman ni Secretary Jonvic sa pagsusulong ng layunin ni Pangulong Bongbong Marcos sa ilalim ng #BagongPilipinas at para sa mas ligtas, mas maunlad, at mas nagkakaisang bayan," dagdag pa niya.

Samantala, nangako si Remulla na isasara niya ang lahat ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa.

“As far as I am concerned, I will get all the list of POGOs and I will personally lock them down one by one personally, all of them,” saad ng bagong Kalihim nitong Miyerkules matapos ang kaniyang turnover ceremony.