November 22, 2024

Home SHOWBIZ Events

Willie nag-file ng COC, ibinunyag nag-udyok para tumakbong senador

Willie nag-file ng COC, ibinunyag nag-udyok para tumakbong senador
Photo courtesy: Mary Joy Salcedo/BALITA

Halos huling minuto bago tuluyang magsara ang filing ng certificate of candidacy (COC) sa Comelec ngayong araw ng Martes, Oktubre 8, dumating si "Wil To Win" TV host Willie Revillame sa The Manila Hotel Tent City para maghain ng mga dokumento sa kaniyang kandidatura sa pagkasenador.

Matapos ang filing ay nagbigay ng kaunting speech si Willie sa harapan ng media. Sinabi niyang ayaw na niyang magpakilala pa masyado dahil kilala naman daw siya dahil mula noon hanggang ngayon ay naging household name na siya dahil sa pagkakaroon ng TV shows sa tanghali, hapon, at gabi.

In fact, iniwan daw niya ang show na Wil To Win para lamang magsadya sa Comelec at ihabol ang kaniyang mga dokumento.

Natanong si Willie kung ano ang nag-udyok sa kaniya para tuluyan nang sumabak sa politika.

Events

Rampapayag kaya? Michelle Dee hinihiritang sumali sa Miss Grand International 2025

"'Yong mga nakikita ko... away," sagot ni Willie na ang tinutukoy niya ay bangayan sa senado. "Awayan nang awayan. Mga edukado. Ang tingin nila sa mga artista, eh masyadong mababa. Aba'y kami may magagandang puso para sa ating mga kababayan."

Ipinaliwanag din ni Willie kung ano ang purpose ng isang senador.

"Ano ba ang purpose ng isang senador? Hindi ako abogado, hindi ako nakatapos, pero ang purpose dapat ng bawat senador, bawat nagpa-public servant, bawat namumuno sa local government, mabuting puso ang mayroon ka. Ang lagi mong iniisip 'yong mga kababayan mo," aniya pa. 

Marami na raw mga batas na nagawa, mga presidenteng nagdaan, at mga senador na naluklok subalit tila hindi raw nagbago ang takbo ng buhay ng mga Pilipino.