Halos huling minuto bago tuluyang magsara ang filing ng certificate of candidacy (COC) sa Comelec ngayong araw ng Martes, Oktubre 8, dumating si "Wil To Win" TV host Willie Revillame sa The Manila Hotel Tent City para maghain ng mga dokumento sa kaniyang kandidatura sa pagkasenador.
Matapos ang filing ay nagbigay ng kaunting speech si Willie sa harapan ng media. Sinabi niyang ayaw na niyang magpakilala pa masyado dahil kilala naman daw siya dahil mula noon hanggang ngayon ay naging household name na siya dahil sa pagkakaroon ng TV shows sa tanghali, hapon, at gabi.
In fact, iniwan daw niya ang show na Wil To Win para lamang magsadya sa Comelec at ihabol ang kaniyang mga dokumento.
Natanong si Willie kung ano ang nag-udyok sa kaniya para tuluyan nang sumabak sa politika.
"'Yong mga nakikita ko... away," sagot ni Willie na ang tinutukoy niya ay bangayan sa senado. "Awayan nang awayan. Mga edukado. Ang tingin nila sa mga artista, eh masyadong mababa. Aba'y kami may magagandang puso para sa ating mga kababayan," paliwanag ng TV host.
Natanong naman si Willie kung anong mangyayari sa kaniyang show na Wil To Win na halos kasisimula pa lamang at wala pang isang taon. May ruling kasi sa Comelec na hindi puwedeng magkaroon ng TV shows ang mga artista o personalidad na kakandidato.
Ayon kay Willie, may hanggang Pebrero 11, 2025 pa siya para magtrabaho, pagkatapos ay sasabak na siya sa kampanya.
Kung papalaring manalo, babalik pa rin daw siya sa hosting kagaya ng ginawa ni "Eat Bulaga" host Tito Sotto III, na tumatakbo rin sa pagkasenador.
MAKI-BALITA: Willie nag-file ng COC, ibinunyag nag-udyok para tumakbong senador