January 22, 2025

Home BALITA Eleksyon

'Patama sa artista, sports icons?' Gardo ni-reshare pahayag ni Dolphy tungkol sa politika

'Patama sa artista, sports icons?' Gardo ni-reshare pahayag ni Dolphy tungkol sa politika
Photo courtesy: Gardo Versoza (IG)/via GMA Network (FB)

Usap-usapan ang pagbabahagi ng aktor na si Gardo Versoza ng pahayag ng pumanaw na Comedy King na si Dolphy patungkol sa mga artista at sports icons na sumasabak sa politika.

Matatandaang natanong noon si Pidol kung wala ba siyang balak pumasok sa public service, dahil tiyak na mananalo siya kung ang pagbabatayan ay dami ng fans at supporters na posibleng bumoto sa kaniya.

"Sa mga tatakbo sa 2025 lalung lalo na ang mga artista at sports icons, dapat bang maging gabay ang sinabi ni Dolphy?" mababasa sa text caption ng larawan.

Mababasa pa sa larawan ang mismong pahayag ng nasirang Comedy King, "Kung ako ay papasok sa pulitika isa lang ang ikinatatakot ko, ito ay ang 'manalo' dahil pag doon na ako,,, baka mapahiya lang ako kasi hindi ko alam ang gagawin ko. at sayang lang pagboto sa akin ng mga tao," aniya.

Eleksyon

Disposal sa 6M-balotang ‘nabalewala’ dahil sa TRO ng SC, sinimulan na ng Comelec

Simpleng caption naman ni Gardo rito, "."

Kaya sabi tuloy ng mga netizen, mukhang parinig daw ito ni Gardo sa kaniyang mga kapwa celebrity na nagfa-file ng certificate of candidacy (COC) para sa 2025 midterm elections.

Marami sa mga artista at sports personalities ang naghain ng kanilang COC para sa nalalapit na halalan 2025.