November 24, 2024

Home BALITA Eleksyon

Marcoleta sa pagtakbo niya bilang senador: 'Wala nang atrasan ito!'

Marcoleta sa pagtakbo niya bilang senador: 'Wala nang atrasan ito!'
Rep. Dante Marcoleta (Photo: MJ Salcedo/BALITA)

Matapos maghain ng kaniyang kandidatura sa pagkasenador, ipinahayag ni Congressman Dante Marcoleta na hindi na siya aatras pa sa 2025 elections dahil tinatanggap na raw niya ang panawagan ng kaniyang mga kababayan na tumakbo sa mas mataas na posisyon.

Nagsumite ng certificate of candidacy (COC) si Marcoleta nitong Martes, Oktubre 8, si Marcoleta sa pagkasenador sa The Manila Hotel Tent City.

Ayon kay Marcoleta, nagdesisyon daw siyang tumakbo bilang senador upang paunlakan ang panawagan ng mga mamamayan na maglingkod siya sa Senado.

“Sa ngayon po ang aking paniniwala ay ganap na po akong nakahanda. Sa dami po ng mga kababayan natin na nananawagan na sana’y makapaglingkod pa po ako sa mas mataas na lebel ng ating bansa ay gusto ko pong paunlakan ang panawagan na iyon na ngayon po ay talagang dumarami at lumalawak sa maraming panig sa ating bansa,” saad ni Marcoleta.

Eleksyon

George Garcia sa eleksyon sa Pilipinas: 'Walang natatalo, lahat nadadaya'

Nang tanungin kung hindi na siya magwi-withdraw muli sa halalan, ani Marcoleta: “Wala na pong atrasan ito.”

Matatandaang taong 2022 nang maghain si Marcoleta ng COC sa pagkasenador ngunit nag-withdraw din siya.

Sa kasalukuyan ay tumatayong representante si Marcoleta ng SAGIP party-list sa Kongreso.