December 21, 2024

Home FEATURES Human-Interest

Magna cum laude graduate na pinagsuot ng toga ang ama, kinaantigan

Magna cum laude graduate na pinagsuot ng toga ang ama, kinaantigan
Photo Courtesy: Keanne Roeh Isurda (IG)

Pumatok sa TikTok ang nakaaantig na ginawa ng isang college graduate mula sa Polytechnic University of the Philippines sa kaniyang ama bago siya grumaduate.

Isa ang graduation sa maituturing na pinakamahalagang milestone sa buhay ng isang tao. Ang bawat nagsisipagtapos ay may kaniya-kaniyang bitbit na kuwento sa kung bakit sila nagpupursigeng makibaka sa araw-araw upang makamit ang diploma maging ang kanilang latin honor.

Sa ulat ng TV Patrol, si Keanne Roeh Isurda ay nagtapos bilang Magna Cum Laude sa kursong Bachelor of Arts in English Language Studies sa PUP noong Oktubre 3.

Bago ang kaniyang graduation ceremony, ipinasuot niya sa kaniyang ama ang kaniyang toga na gagamitin para sa ceremony at dito na nga bumuhos ang luha ng kaniyang ama na si Tatay Rodolfo dahil sa kagalakan. Si Keanne ang unang nakapagtapos sa kanilang pamilya. Iniaalay niya ang pagtatapos para sa kanila.

Human-Interest

BALITrivia: Si Santa Claus at ang kapaskuhan

Ang nasabing TikTok post ay nilagyan ng caption ni Keanne na: “Mahal na mahal ko kayong lahat, daddy!! Lahat ng ito ay para sa inyo!!

Umani ito ng maraming positibong mga komento:

“I don't know why but when it talks about father, it hurts a lot. maybe because I'm longing for my father's love. actually I'm a daddy's girl.”

“This really hurts for us who didn't have good relationship with ther father”

“bilang isang batang 90's ang salitang "binubogbog" ay parte ng pagmamahal ng ating magulang dahil sa pamamagitan non lumaki tayong may takot sa diyos at sa ating mga magulang. proud batang 90's here.”

“I don't actually know how to feel about this. hindi ako nakapag college (SHS Graduate). I guess it's really a big success for parents na mapagtapos ng college mga anak nila.”

“Congratulations, Kuya!!! Alas 10am pa lang pero pinaiyak mo na ako!!! ”

“Napaka soft ko sa mga gantong moment, hindi man lang ako hinintay ni papa maka tapos. But i know my dad is so proud of me!”

“buhay pa tatay ko, nakakausap ko. Pero yung heart to heart na usap? Never. Simula Elem to hs never ko silang dinisappoint. Consistent pagiging top 1 in class. Pero never nakarinig ng “congrats””

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Keanne, ibinahagi niya ang dahilan sa pagpapasuot ng kaniyang toga sa kaniyang ama.

“Alam ko po kasi na hindi nakatapos si daddy sa College. Undergrad po siya sa kursong Mass Communication. Kaya ko po talaga pinasuot sa kaniya kasi gusto ko pong ma-experience niya kahit papaano na makasuot ng toga. Palagi naman po kasing proud sa amin si daddy. Kahit nga raw po hindi kami makapagtapos ng with honors or latin, okay lang sa kaniya. Basta ang importante nag-aral nang maayos at nagtapos. Pero ngayon po, mas dumoble. Mas masaya at mas naramdaman kong maraming humahanga sa akin at kay daddy.“

Masaya siya na maraming naantig sa kaniyang TikTok content na patungkol sa pag-aalay ng kaniyang matamis na tagumpay para sa kaniyang minamahal na ama.

Nag-iwan din si Keanne ng mensahe para sa kapwa niyang graduates at sa mga estudyanteng susunod na gragraduate:

Aniya, “Sa buhay ng estudyante talagang marami tayong mararanasan. Iba-iba ang ating status, iba-iba ang ating approach sa pag-aaral at pag-handle ng mga sitwasyon at problema. Ang isa sa mga dapat itatak nila sa utak ay magset sila ng goal sa buhay. Para kahit saan ka mapunta, kahit maraming bad influence sa paligid, hindi ka maiimpluwesyahan dahil may set goals ka sa buhay mo. May prinsipyo rin dapat. Hindi masamang mag-socialize basta alam ang limit. At mag-aral nang maayos parati.”

Ibinunyag niya na wala naman talagang masasabing sikreto para makuha niya ang latin honor na meron siya:

“There's no secret behind it po. It was just a combination of confidence, pag-aaral nang maayos and prayer.” kuwento ni Keanne.

Inilahad niya rin ang kaniyang plano matapos makapagtapos ng graduation.

Sabi niya, “Before graduation, may trabaho na po ako. So, October 3 po ang graduation, Sept. 30 palang po nagwowork na ako. Ako po ang bagong Marketing Associate ng Marikina Valley Medical Center (#1 Best hospital in Marikina and Rizal under Manny V. Pangilinan's Metro Pacific Investment Corporation) bali ang goal ko po eh maging maayos ang work at makapagprovide po ako ng financial support sa family and makatulong din po na mapagtapos mga kapatid ko.”

Aniya pa, “Goal ko is to help my family financially, makapag-ipon po ako for myself, maging magaling po ako sa trabaho at tumagal po sa work na pinasok ko.”

Sa ngayon ang nasabing TikTok post ay mayroon nang 257.6K reactions, 5777 comments, 16.1K saves at 12K shares.

Mariah Ang