November 15, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Gardo, no to political dynasty; gobyerno, 'wag gawing negosyo, bisyong pagnakawan

Gardo, no to political dynasty; gobyerno, 'wag gawing negosyo, bisyong pagnakawan

Umani ng reaksiyon at komento ang ibinahaging art card ng aktor na si Gardo Versoza patungkol sa tila panawagan niyang "No to Political Dynasty" kaugnay pa rin sa paghahain ng certificate of candidacy (COC) para sa 2025 midterm elections.

Mababasa sa art card na kaniyang ibinahagi, "No to Political Dynasty."

"Huwag ninyong gawing NEGOSYO ng PAMILYA at gawing bisyo ang PAGNANAKAW sa Gobyerno!"

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at pahayag mula sa netizens.

Tsika at Intriga

Negosyo, nalugi! Ken Chan, 'di raw tinatakbuhan isinampang kaso sa kaniya

"Depende po pero kung pamilya robredo,santos-recto at hontiveros susuportahan ko yan! Para Mas dumami pa ang totoong lingkod bayan."

"Dipende king marami nagagawa at naitutulong why not kahit buong angkan pa nila basta may mabuting intensyon at ginagawa."

"Good retirement plans for them tuloy ang happy living. Congrats sa kanila, sana gising gising na din tayo botante. Tayo din kawawa."

"Dami pa din obob nq pilipino nakakairita lang bakit paulit ulit silang binonoto tapos magrereklamo ang hirap ng buhay dahil din sa kanila kaya naghihirap karamihan sa atin lahat tayo may partisipasyon kaya sa huli lagi ang pagsisisi."

"Pakapalan na lang po ng mukha sa pulitika!! Nakakasuka na ang sistema ng gobyerno."

Bukod dito, ibinahagi rin ni Gardo ang naging pahayag naman ng yumaong Comedy King na si Dolphy nang matanong kung wala ba siyang balak pumasok sa politika noon.

MAKI-BALITA: 'Patama sa artista, sports icons?' Gardo ni-reshare pahayag ni Dolphy tungkol sa politika