November 24, 2024

Home BALITA Eleksyon

Alice Guo, hindi na raw tatakbo sa 2025 elections: 'Linisin ko po muna sarili ko'

Alice Guo, hindi na raw tatakbo sa 2025 elections: 'Linisin ko po muna sarili ko'
photo courtesy: Alice Guo/FB

Hindi na raw muna tatakbo bilang alkalde si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa 2025 midterm elections.

Kinumpirma ito mismo ni Guo sa isinasagawang pagdinig sa Senado ngayong Martes, Oktubre 8, huling araw ng paghahain ng certificate of candidacy (COC).

Itinanong ni Senador Jinggoy Estrada kay Guo ang patungkol dito matapos lumabas ang balitang tatakbo ulit siyang mayor ng Bamban. 

"Tatakbo ka raw mayor ulit?" tanong ni Estrada.

Eleksyon

George Garcia sa eleksyon sa Pilipinas: 'Walang natatalo, lahat nadadaya'

"Your Honor, sa ngayon, hindi po," sagot ni Guo. "Haharapin ko po muna 'yong mga accusations sa akin, linisin ko po muna 'yong sarili ko po, para maging fair din po para sa mga constituents ko po na minamahal ko po."

Matatandaang sinabi ng abogado ni Guo na si Atty. Stephen David na tatakbo ulit si Guo bilang independent candidate. 

“Dapat kasi makita ng bayan kung mahal talaga siya ng Bamban. Kasi kung mahal siya, mananalo siya. Kung ayaw na sa kanya, hindi na siya mananalo,” ani David.

BASAHIN: Alice Guo, muling tatakbo para sa susunod na eleksyon – abogado