January 23, 2025

Home FEATURES Tourism

World Architecture Day: Ilang makasaysayang gusali sa bansa na nananatili pa ring nakatayo

World Architecture Day: Ilang makasaysayang gusali sa bansa na nananatili pa ring nakatayo
Photo courtesy: City Council of Manila (website), Arquitectura manila (website), First United Building (website), San Agustin Church (FB)

Hindi lamang sa komersyo mayaman ang kabisera ng Pilipinas, ngunit pati na rin sa kasaysayan. Kabilang ang Maynila sa may madugong nakaraan ng bansa at saksi rito, ang ilang mga gusali nananatili pa ring nakatayo hanggang ngayon.

Kaya naman ngayong araw ng paggunita sa World Architecture Day, narito ang ilang mga gusali sa Kamaynilaan na hindi lamang bumida noon sa arkitektural na disenyo, ngunit pinagtibay rin ng mahabang kasaysayan ng bansa.

San Agustin Church (1607)

Ang San Agustin Church ang pinakamatandang simbahan sa bansa na sinimulang gawin noong noong 1586 at natapos noong 1607 sa loob ng makasaysayang Intramuros. Ang disenyo ng simbahan ay alinsunod sa utos ng Espanya na siyang pinagtibay ng isang Royal Decree. Si Juan De Macias ang unang arkitektong nagdisenyo nito na hango sa ilang German Baroque churches.

Tourism

'No. 1 most traveled Filipino citizen globally' sinalubong sa Mactan airport

Nananatiling bukas ang simbahan na itinatampok din ang nakalagak ng puntod ni Miguel Lopez De Legazpi na siyang may pinakamatagumpay na ekspedisyon ng Espanya noong 15 century.

Manila Central Post Office (1771)

Itinatag ang Manila Central Post Office noong 1771, sa ilalim ng pamahalaan ng mga Espanyol. Noong panahong iyon, ang mga sulat at mensahe ay ipinapadala sa pamamagitan ng mga tao at kabayo, at ang pagbuo ng isang sentralisadong sistema ng post ay naging mahalaga para sa mas mabilis na komunikasyon sa pagitan ng mga bayan at lalawigan.

Bagama’t nananatili pa ring nakatayao ang nasabing gusali, pansamantala itong abandono matapos ang pinakamapaminsalang sunog na nangyari dito noong 2023.

Manila City Hall (1901)

Ang orihinal na Manila City Hall ay itinayo noong 1901 sa ilalim ng pamahalaan ng mga Amerikano. Ang disenyo nito ay inihanda ni William Howard Taft, na naging gobernador-heneral ng Pilipinas. Noong 1939, ang kasalukuyang estruktura ng Manila City Hall ay itinayo, na idinisenyo ni Architect Antonio Toledo.

Ngayon, ang Manila City Hall ay hindi lamang nagsisilbing tanggapan ng pamahalaang lokal ng Maynila, kundi pati na rin isang tourist spot dahil sa itinatampok nitong Manila Clock Tower Museum.

University of Santo Tomas (1927)

University of Santo Tomas ang pinakamatandang paaralan sa bansa, bagama’t ang kasalukuyang gusali nito ay naitayo noong 1927 matapos ang paglipat nito sa Sampaloc, Maynila mula sa Intramuros.

Noong World War II, nagsilbi itong himpilan ng mga Amerikano at Hapones matapos maideklara ang Maynila bilang Open City.

First United Building (1928)

Itinatag ang First United Building noong 1928 at ito ay idinisenyo ng tanyag na arkitekto na si Juan Arellano. Ang gusali ay orihinal na tinawag na "First United Building Company," at ito ang kauna-unahang skyscraper sa Pilipinas, matapos ituring na pinakamataas na gusali sa buong bansa noon.

Noong dekada 50 at 60, ang First United Building ay naging sentro ng mga negosyo at opisina. Maraming mga kilalang kumpanya ang naglagay ng kanilang mga opisina dito, na nakatulong sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa. Ang gusali ay naging sentro ng kalakalan at komunikasyon, na nagbigay-daan sa mas mabilis na pag-unlad ng mga lokal na negosyo.

Ilan lamang ito sa mga makasaysayang gusali sa Kamaynilaan na nagsisilbi ring haligi na ng ating mayabong at madilim na kasaysayan mula sa mga dayuhan.

Kate Garcia