January 22, 2025

Home BALITA Eleksyon

'Umpisa na ang himagsikan!' Sam Verzosa, tatakbong mayor ng Maynila

'Umpisa na ang himagsikan!' Sam Verzosa, tatakbong mayor ng Maynila
Photo Courtesy: Sam Verzosa (FB)

Opisyal nang naghain ng kaniyang kandidatura ang TV host at negosyanteng si Sam Verzosa bilang alkalde ng Maynila sa darating na 2025 midterm elections.

Sa Facebook post ni Verzosa nitong Linggo, Oktubre 6, sinabi niyang magsisimula na umano ang pagbabago para sa minamahal niyang lungsod.

“Para sa Minamahal kong Maynila!!! UMPISA NA ANG HIMAGSIKAN!! Simula na ng PAGBABAGO!!!” saad ni Verzosa.

Samantala, sa isang hiwalay na post, pinasalamatan ni Verzosa ang mga taong nagpakita ng suporta para sa kaniyang kandidatura.

Eleksyon

Disposal sa 6M-balotang ‘nabalewala’ dahil sa TRO ng SC, sinimulan na ng Comelec

Aniya: “Bago matapos ang Araw na ito, gusto ko muna Pasalamatan lahat po ng pumunta at sumuporta sa Liwasang Bonifacio, SM Manila at Kartilya ng Katipunan para Simulan ang ating pakikipaglaban para sa Tunay na Pagbabago sa Maynila.”

Makakasagupa ni Verzosa ang reelectionist na si Manila City Mayor Honey Lacuna na nag-file na ng certificate of candidacy (COC) noong Oktubre 3 at ang dating mayor ng lungsod na si Isko Moreno na natutunugan umanong tatakbo muli sa nasabing posisyon.

MAKI-BALITA: Lacuna at Servo, sabay na maghahain ng COC sa Oktubre 3

Matatandaang kamakailan lang ay pina-auction ni Sam ang luxury car na pagmamay-ari ng kaniyang pumanaw na amang si Sam Verzosa, Sr., para gamiting pondo ang pinagbentahan sa pinaplano niyang diagnostic and dialysis center sa Maynila.

MAKI-BALITA: ₱20M Bentley car ng yumaong ama, kasama sa pina-auction ni Sam Verzosa