January 23, 2025

Home SHOWBIZ Pelikula

'Magpasa na!' 50th MMFF, may contest para sa Student Short Films

'Magpasa na!' 50th MMFF, may contest para sa Student Short Films
Photo Courtesy: Film Development Council of the Philippines (X)

Bilang bahagi ng ika-50 anibersaryo ng Metro Manila Film Festival (MMFF), masayang ipinahayag ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang paglulunsad ng Student Short Film Competition.

Ang patimpalak na ito ay naglalayong ipakita ang angking talino at pagkamalikhain ng kabataang Pilipinong filmmakers, na magiging bagong mukha ng industriya ng pelikula sa bansa.

Ang temang “50” ay magsisilbing sentro ng mga kalahok, na hihikayating ipahayag ang kani-kanilang interpretasyon ng nasabing numero—maging ito man ay hango sa kasaysayan, personal na kuwento, o pananaw sa hinaharap.

Sa pamamagitan ng kanilang mga pelikula, mabibigyan ng pagkakataon ang mga estudyante na ipakita ang kanilang kakaibang perspektibo sa iba't ibang genre at istilo ng pagkukwento.

Pelikula

Barbie Forteza, magkakaroon ba ng pelikula; sinong leading man?

Ayon sa FDCP, ang kompetisyon ay isang mahalagang plataporma para sa mga baguhang filmmaker na makilala at aktibong makilahok sa isang makabuluhang pagdiriwang ng makulay na kasaysayan ng pelikulang Pilipino. Sa mga gawaing tulad nito, isinusulong ng FDCP ang mas matatag na kinabukasan para sa lokal na industriya ng sining-biswal habang ipinagdiriwang ang mga nagawa ng MMFF sa nakaraang limang dekada.

Ang mga kalahok ay inaasahang magbibigay ng iba't ibang interpretasyon ng temang "50," na maaaring tumukoy sa isang mahalagang sandali sa kasaysayan, isang personal na tagumpay, o maging isang pambungad na pananaw para sa darating pang mga henerasyon.