November 23, 2024

Home BALITA

Guanzon, overtime sa speech sa COC filing; Comelec humingi ng paumanhin

Guanzon, overtime sa speech sa COC filing; Comelec humingi ng paumanhin
Photo courtesy: Ralph Vincent Mendoza and MJ Salcedo/BALITA

Humingi ng paumanhin at inako ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia ang umano’y nangyaring overtime speech ni dating Comelec Commissioner at ngayo’y first nominee ng P3PWD Party-list Rowena Guanzon, sa paghahain niya ng kaniyang kandidatura noong Linggo, Oktubre 6, 2024.

Sa pagharap sa media nitong Linggo, Oktubre 6, sinabi ni Garcia na ang ahensya umano ang may kapabayaan sa nangyari, kung saan ang dapat sana’y 10 minutong laan sa bawat kandidato upang makapagsalita sa harap ng media, ay umabot at tumagal ng 32 minuto kay Guanzon.

“Comelec na lang ang may kagagawan noon, wag na natin i-attribute sa mismong kandidato,” ani Garcia.

Dagdag pa niya, hindi na umano nila hahayaang maulit muli ang ganitong eksena sa kasagsagan ng filing ng Certificate of Candidacy (COC).

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Sa susunod, ito ay isang karanasan na makakapagbigay tayo ng adjustment. Hindi dapat nababahiran itong ganitong klase nang pagmamalabis,” saad ni Garcia.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, nakasaad umano sa Comelec rule na mayroon lamang dalawang minuto ang bawat kandidato na magsalita sa harap upang ipakilala ang kanilang sarili, habang ang karagdagang walong minuto naman ay laan upang sagutin ang mga tanong ng media.

Kate Garcia