Tinatayang nasa 120 elepante na ang direktang apektado ng matinding pagbaha sa Chiang Mai, Thailand, ayon sa ulat ng local media nitong Linggo, Oktubre 6, 2024.
Kinumpirma ni Saengduean Chailert, director ng Elephant Nature Park, na dalawang elepante ang nasawi bunsod ng matinding pagbaha sa nasabing lugar.
“My worst nightmare came true when I saw my elephants floating in the water,” saad ni Chailert sa kaniyang panayam sa local media.
Kinilala ang dalawang elepante na sina Faa Sai at isang 40-anyos na isa rin umanong bulag na elepante na si Ploy Thong.
Sinasabing inanod umano ng rumaragasang baha ang dalawang elepante na kapuwa parehong natagpuang palutang-lutang na lamang.
“I will not let this happen again, I will not make them run from such a flood again,” saad ni Chailert.
Matatandaang noong Agosoto po nang sunod-sunod na maranasan ng ilang lugar sa Thailand ang matinding pag-ulang nagdulot ng ilang pagbaha na nagbunsod upang isagawa ang ilang paglikas sa mga elepante na na-trap na rin sa kanilang kulungan.
Samantala, ayon naman sa ulat ng News5, tinatayang nasa 49 na katao na umano ang nasawi habang libo-libo na umanong mga pamilya ang nawalan ng tirahan.
Kate Garcia