December 22, 2024

Home FEATURES Mga Pagdiriwang

BALITAnaw: Paggunita sa unang anibersaryo ng giyera sa Israel at Gaza

BALITAnaw: Paggunita sa unang anibersaryo ng giyera sa Israel at Gaza
Photo courtesy: AP News (website)

Ngayong araw, Oktubre 7, 2024 inaalala sa iba’t ibang panig ng mundo ang unang taong anibersaryo ng isa sa pinakamadudugong pag-atake ng grupong Hamas sa Israel kung saan agaran itong kumitil ng buhay ng tinatayang 1,200 Israeli at 250 hostages.

Ayon sa Council on Foreign Relations, ang Hamas ay isang Islamic militant group na sinasabing nabuo noong 1980. Isa sa umano’y pinaglalaban ng grupo ay ang pang-aagaw umano ng Israel sa lupain ng Palestine.

Taong 2006 nang tuluyang makopo ng Hamas ang pamamahala sa Gaza matapos nitong talunin ang rival political party na Fatah. Isa sa mga pinakamalalaki umanong kaalyansa ng Hamas ay ang grupo ng Hezbollah sa Lebanon at grupo ng Houthi ng Yemen.

Isang taon mula nang magsimula ang sigalot sa pagitan ng Israel at Gaza, tinatayang nasa mahigit kumulang 41,000 na ang nasawing Palestino sa pagganti ng Israel mula sa tala ng United Nations (UN).

Mga Pagdiriwang

Ang mayamang tradisyong tatak ng 'Paskong Pinoy'

Matatandaang matapos ang sopresang pag-atake ng Hamas, nangako ang gobyerno ng Israel na handa umano nilang ubusin ang miyembro ng nasabing grupo.

“We will wipe this thing called Hamas, ISIS-Gaza, off the face of the earth. It will cease to exist,” saad nito sa isang press briefing noong Oktubre 11, 2023.

Ayon sa ulat ng ilang international news outlets, ang ilan sa primaryang dahilan nang pag-atake ng Hamas sa Israel ay ang lumalala umanong pagpapalawig ng Israel ng kanilang teritoryo sa lupain ng Palestine, dahilan upang malimitahan umano ang milyong populasyon sa loob ng Gaza. Isa rin sa lumutang na dahilan ay ang lumalala ring tensyon sa Al-Aqsa mosque sa Jerusalem, na itinuturing banal ng mga Palestino.

Sa patuloy na pagganti ng Israel, ilang OFW mula sa Israel at Gaza ang napilitang umuwi ng Pilipinas kung saan may limang mga Pilipino ang naiulat na nasawi sa nasabing giyera.

Samantala, bilang paggunita sa tumitinding madugong sigalot sa pagitan ng dalawang nasabing bansa, nagkasa ng malawakang protesta ang iba’t ibang grupo ng pro-Palestinian at pro-Israel sa ilang Europe cities gaya ng Paris, Rome, Berlin at Dublin.

Kate Garcia