December 26, 2024

Home BALITA

19 female PDL sa QC, nakatapos ng pag-aaral sa kolehiyo

19 female PDL sa QC, nakatapos ng pag-aaral sa kolehiyo
Photo Courtesy: Quezon City Government (FB)

Pinatunayan ng labing-siyam na female Persons Deprived of Liberty (PDL) sa Quezon City Jail Female Dormitory na hindi hadlang ang kalagayan sa piitan para maabot ang pangarap, at makatapos ng pag-aaral sa kolehiyo.

Sa ilalim ng “No Woman Left Behind” program ng Quezon City, ang mga nasabing babae ay nakapagtapos ng Bachelor of Science in Entrepreneurship sa Quezon City University.

Ayon sa ulat ng Philippine News Agency (PNA), ang mga PDL na ito ay bahagi ng scholarship program na naglalayong magbigay ng pagkakataon sa sa mga kagaya nila, na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

Sa isang Facebook post, ipinahayag ng Quezon City Local Government ang kanilang pagkakatuwa sa tagumpay ng mga PDL.

National

Makabayan bloc, pinuna balak ni FPRRD na maging abogado ni VP Sara: 'Desperate political maneuver!'

“Nakapagtapos na ang 19 women persons deprived of liberty (PDLs) na nakapiit sa Quezon City Jail Female Dormitory (QCJFD) sa kursong BS Entrepreneurship na bahagi ng programang ‘No Woman Left Behind’ ng lungsod,” mababasa rito.

Bukod sa two-year course na ito, ang programang pang-edukasyon sa loob ng QCJFD ay kinabibilangan din ng Adult Basic Education, High School Equivalency, at iba pang creative at recreational programs na nagbibigay ng mas malalim na kaalaman at kasanayan sa mga bilanggo. Kabilang din dito ang mga oportunidad para sa livelihood, aftercare services, at mother and child care.

Para naman mapalawak pa ang ganitong uri ng programa, binuksan kamakailan ng Polytechnic University of the Philippines Open University System (PUP OUS) ang kauna-unahang klase sa Manila City Jail Male Dormitory. Sa pakikipagtulungan sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Manila City Jail, magsisimula ang kursong Bachelor of Science in Business Administration major in Marketing Management bilang bahagi ng rehabilitasyon ng mga PDL.

MAKI-BALITA: 72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Noong Setyembre 30 ay nagbukas na rin sila ng programa para sa mga babaeng PDL.

MAKI-BALITA: PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Nagbigay naman ng pahayag tungkol dito si Department of Justice (DOJ) Undersecretary Margarita Gutierrez. 

“Nawa’y ang kuwento ng mga ito ay magsilbing inspirasyon sa iba upang maniwala sa kanilang halaga at potensiyal," aniya.

Dagdag pa rito, pinuri din ni Bicol Saro party-list Rep. Brian Raymund Yamsuan ang mga programang tulad nito, na makatutulong umano sa mga komunidad at makababawas sa mga bumabalik sa krimen matapos makalaya.

Batay sa datos ng Department of the Interior and Local Government (DILG), umabot na sa 19,299 PDLs sa buong bansa ang nagpatuloy ng kanilang edukasyon sa ilalim ng mga educational partnerships at programs na ipinatutupad ng BJMP.

Mariah Ang