December 23, 2024

Home FEATURES Mga Pagdiriwang

'Talpakan na!' Guro, nakatanggap ng manok na tandang mula sa pupils

'Talpakan na!' Guro, nakatanggap ng manok na tandang mula sa pupils

Nagdulot ng good vibes ang post ng isang guro matapos niyang ibida ang mga natanggap na regalo mula sa kaniyang mga mag-aaral, dahil sa pagdiriwang ng "World Teacher's Day."

Paano ba naman kasi, hindi tipikal na regalo ang natanggap ng gurong si Christian Leslie Undang dahil bukod sa mga bulaklak, isang buhay na manok na tandang ang kaniyang bitbit pauwi!

Ayon sa Facebook post ng guro, ang nabanggit na manok ay "Bisayang Manok." Kahit wala raw natanggap na mga tsokolate, ang mahalaga ay may alaga na siyang manok.

"Bahalag wai tsokolet, naa man pud bisayang manok. Thankyouuuuu mga nakiiesss #PerksOfBeingAHinterlandTeacher

Mga Pagdiriwang

Ang mayamang tradisyong tatak ng 'Paskong Pinoy'

Happy World Teachers' day mga magtutudlo," mababasa sa kaniyang post.

Bahalag wai tsokolet, naa man pud bisayang... - Bachuchaii Stoppé | Facebook

Nagdulot naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Sa province talaga, masaya mag celebrate. Nag-enjoy ka na, may pang-ulam pa. Manok ang palaging nireregalo din sa amin. Pato rin. Minsan mga gulay din. Happy to all of us, teachers."

"Happy Teacher's Day!"

"Sabungera si Ma'am haha joke, HTD po."

"Pantalpak ni Ma'am hahaha."

Sa iba pang posts ng guro ay nagpasalamat siya sa mga mag-aaral niya sa Grade 2, at sinabi niyang hindi niya kakatayin o uulamin ang nabanggit na manok.