November 24, 2024

Home BALITA Eleksyon

Sen. Koko Pimentel, tatakbong kongresista sa 2025

Sen. Koko Pimentel, tatakbong kongresista sa 2025
Courtesy: Sen. Koko Pimentel/FB

Sa gitna ng kaniyang term limit sa Senado, magbabalak namang pumasok sa Kongreso si Senador Pimentel sa pamamagitan ng pagtakbo niya bilang representante ng unang distrito ng Marikina.

Nitong Linggo, Oktubre 6, nang maghain si Pimentel ng certificate of Candidacy (COC) sa opisina ng Commission of Elections (Comelec) sa San Juan City.

Tatakbo raw ang incumbent senator sa ilalim ng Nacionalista Party.

Makakalaban ni Pimentel sa puwesto si Marikina Mayor Marcy Teodoro na naghain naman ng kaniyang kandidatura nitong Sabado, Oktubre 5.

Eleksyon

George Garcia sa eleksyon sa Pilipinas: 'Walang natatalo, lahat nadadaya'

Si Pimentel ay isang senador sa 19th Congress, kung saan nagsisilbi siya sa kaniyang ikalawang buong termino mula noong 2011.

Naging Senate president siya mula 2016 hanggang 2018, at Senate minority leader mula 2022.