November 22, 2024

Home FEATURES Trending

Mag-jowa naghiwalay na, na-engage na sa iba pero MRT-7 hindi pa rin daw tapos

Mag-jowa naghiwalay na, na-engage na sa iba pero MRT-7 hindi pa rin daw tapos
Photo courtesy: MB/via Haryet Sebastian (FB)/Freepik

"Sobrang tagal matapos ng MRT di na sila nagkatuluyan."

Umani ng reaksiyon at komento sa mga netizen ang Facebook post ng isang netizen na nagngangalang "Haryet Sebastian" matapos niyang ipakita ang screenshots na nagpapakita ng magkasintahang tila naghiwalay na, subalit hanggang ngayon, hindi pa rin natatapos ang Metro Rail Transit Line 7 o MRT-7.

Ang MRT-7 ay 22-kilometer rail service na kinabibilangan ng 14 estasyon, na pinangalanang Quezon North Avenue Joint Station, Quezon Memorial Circle, University Avenue, Tandang Sora, Don Antonio, Batasan, Manggahan, Doña Carmen, Regalado, Mindanao Avenue, Quirino, Sacred Heart, Tala, at San Jose del Monte.

Sa madaling sabi, ito ang mabilis na magdurugtong sa mga biyahe mula Quezon City, Caloocan City, at San Jose Del Monte, Bulacan.

Trending

Estudyante sa Thailand, naipit ulo sa railings kasusulyap kay 'Crush'

Sa nabanggit na post, ipinakita ng uploader ang screenshot ng isang ulat patungkol dito noong 2016.

Makikita naman sa comment section ang mensahe ng isang lalaki sa kaniyang jowa, na mas mapabibilis na raw ang pagkikita nila kapag natapos na ang MRT-7.

"Isang MRT na lang ako sa inyo baby!! hahaha," mababasang komento ng lalaki.

Tugon naman ng jowa, "3 to 4years pa amp hahahahaha."

Sa isa pang screenshot naman, makikitang "engaged" na ang lalaki subalit mapapansing sa ibang babae na.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento sa netizens.

"hahahha tangina te tawang tawa ako"

"Naghiwalay na at na-engage na, wala pa ring MRT-7 hahahaha."

"Kung nabuo sana ung mrt sila padin sguro"

"Hahahahaha"

"Bilisan na kasi matapos ang MRT-7 baka magkabalikan pa hahaha."

"kaya saka na mag-jowa pag ayos na ang MRT 7"

"HAHAHAHAHAHAHA iyak talaga hirap bumyahe e."

Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa 7k reactions at 2.2k shares ang nabanggit na Facebook post.

KAILAN NGA BA AANDAR ANG MGA BAGON?

Ayon sa ulat ng Philippine News Agency noong Agosto 28, 2024, tinatarget ang "partial operability" ng MRT-7 sa huling quarter ng 2025, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Sinabi ito mismo ni DOTr Undersecretary Jeremy Regino sa isinagawang house deliberation ng DOTr budget kamakailan. Magiging partially operational daw ang Quezon North Avenue Station hanggang sa Quirino Station sa nabanggit na period, at inaasahang fully operational naman hanggang sa San Jose station sa 2027.

Kapag fully operational na, inaasahang 35 minuto na lamang ang biyahe mula Quezon City hanggang San Jose Del Monte, Bulacan. Inaasahang makapagsasakay ito ng 300,000 kataong pasahero sa unang taon ng pag-arangkada nito.