November 24, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Luis, isa sa pinaka-qualified na artistang tumakbo, tumatakbo sey ni Jessy

Luis, isa sa pinaka-qualified na artistang tumakbo, tumatakbo sey ni Jessy
Photo courtesy: Jessy Mendiola (IG)

Naniniwala ang Kapamilya actress na si Jessy Mendiola na ang kaniyang mister na si Kapamilya TV host Luis Manzano ang pinaka-qualified sa lahat ng mga artistang tumakbo noon, at tumatakbo ngayon para sa 2025 midterm elections.

Hindi na nagulat ang mga netizen nang pormal at opisyal nang mag-file ng certificate of candidacy (COC) si Luis, sa ikatlong araw ng filing nito noong Oktubre 3.

Tatakbo siyang vice governor ng Batangas, ka-tandem ang inang si Star For All Season Vilma Santos-Recto, na muling umaasam na maging governor ng lalawigan.

Bukod sa kanilang dalawa, sasabak na rin sa politika ang bunsong anak nina Vilma at Ralph Recto na si Ryan Christopher Recto, bilang representative ng 6th district ng Batangas.

Tsika at Intriga

Vlogger kinuyog dahil sa okray kay Chelsea Manalo, biglang kambyo

First time tumakbo ni Luis at ng kaniyang kapatid, ngunit ang mga magulang nila ay beterano at beterana na rito. Ang batikang aktor-TV host na si Edu Manzano, tatay ni Luis, ay minsan na ring naging aktibo sa pagpasok sa politika at paghawak ng sangay ng pamahalaan, sa administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Dahil sa pagtakbo ng mag-iina sa Batangas, umani ito ng kritisismo mula sa mga netizen dahil sa umano'y isyu ng political dynasty.

Iyan ang isa sa mga ipinupukol na isyu laban kay Luis, na aktibo rin sa kaniyang hosting stint sa ABS-CBN. Sa kasalukuyan, siya ang host ng weekend game show na "Rainbow Rumble."

Kaya naman, todo-tanggol para sa kaniya ang misis na si Jessy Mendiola, na buo ang suporta sa mister.

"This wasn’t part of our plan but God had other plans for us," mababasa sa Instagram post ni Jessy, kaugnay sa kandidatura ng mister.

"Isa ka sa pinaka-masipag, maalaga at mapagbigay na tao na kilala ko. Kahit noon pa man, palagi mong iniisip kapakanan ng ibang tao. Mahilig kang tumulong at makinig sa iba kahit pa walang kapalit na ano pa man, hindi mo gusto na binabanggit yung pangalan mo o pinapaalam pa sa taong tinutulungan mo. Minsan tumatanggap ka ng trabaho kahit na pagod na pagod ka na dahil may pinangakuan kang tutulungan. Alam namin yan at kahit lahat ng mga katrabaho mo, alam nila kung gaano ka ka mapagbigay. Ang puso mo ay napaka-linis at yun ang isa sa rason kung bakit kita minamahal," ani Jessy.

"Alam kong hindi ito parte ng plano natin pero andito ako para suportahan ka kahit ano pa man ang mangyari. Isang malaking pagbabago ito sa buhay natin at alam kong mabuting pagbabago ito. Marami kaming nakasuporta sayo, Love."

"I am extremely proud of you for choosing this path, the path to help make a change and extend help to others. You are made for this. Mararanasan na ng iba ang alagang 'LUCKY' na ilang taon ko na rin nararanasan. Ang SWERTE namin sayo. Mahal na mahal ka namin, maraming salamat @luckymanzano sa buong pusong paglilingkod. Maunlad na Batangas, para sa bagong Pilipinas.

Isang netizen naman ang nagkomento at nagtanong sa nabanggit na post.

"On a serious note po, I hope na may magandang intensyon po ang iyong pagtakbo sa darating na eleksyon. Hindi po ako against sa mga celeb/sikat na gusto pasukin ang politika, pero sana ay may sapat na kakayahan at kaalaman po sa buong proseso ng politika. Kase yung responsibility po na aakuin nyo if mananalo kayo ay para ring responsibilidad ng isang doktor na buhay ng tao ang nakasalalay, sana lahat ng maniniwala at boboto sayo ay may maasahan at hindi masasayang boto nila."

Ayon sa mahabang tugon niya sa komento ng netizen, sana raw ay bigyan ng pagkakataon si Luis na patunayan ang kaniyang sarili.

Bagama't maituturing na bagito, natuto naman daw si Luis sa naging pamamahala ng ina at stepdad.

Isa pa, huwag naman daw sanang ipukol kay Luis ang pintas na "artista" lang siya dahil ang pagiging celebrity daw ay isa lamang sa mga kaya raw gawin ng asawa.

"Sana din bigyan ng pagkakataon si Luis to prove this. He grew up learning so much from his mom and his stepdad when it comes to politics. I do not understand why some people are so quick to judge porket “artista” siya. Ang pagiging artista ay isa lang sa mga kaya niyang gawin sa buhay. Others do not know Luis like I do. What if he just really wants to serve the Filipino people? Others are so quick to judge. Honestly, sa lahat ng artista na tumakbo at tumatakbo si Luis ang isa sa pinaka-qualified sa lahat. I hope people let him prove himself when it comes to public service. Kung ang ibang tao nga may karapatan tumakbo, bakit ang isang tulad niya hindi pwede? Napalaki ng maayos at matino si Luis nila Momski, Daddyo at Tito Ralph. Hindi naman siya ina-appoint sa pwesto niya. Lalaban siya ng patas. At the end of the day, ang mga BOTANTE parin ang magdedesisyon kung ihahalal siya bilang public servant, wala nang iba."

Umaapela si Jessy sa publiko na bigyan ng chance si Luis dahil sa huli, desisyon ng mga botante naman daw ang mananaig.

Isang netizen naman ang nag-react sa naging mga pahayag ni Jessy.

"I think the people, especially the Batangueños have the right to judge considering the fact that a lot of artistas who had the chance to sit in a position have failed to serve what they needed to serve. The fact that no one truly knows him like you do just adds sa many reason why people should question his intentions. Nevertheless, if manalo man siya. I hope he does his best throughout his term. Because ang pag-unlad ng Batangas ay pag-unlad ng Pilipinas. YAY. (I grew up watching him so I really hope he won't disappoint your people.)"

Tugon naman ni Jessy, "yes. They have the right to judge, but let’s not forget that he has a right to prove himself too. It goes both ways. Nagsisimula palang siya, pinipigilan na agad. Hindi pareparehas lahat ng artista."

MAKI-BALITA: Jessy niresbakan bashers ng pagsabak ni Luis sa politika