November 24, 2024

Home BALITA National

ITCZ, magdadala ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa

ITCZ, magdadala ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa
Courtesy: PAGASA/website

Inaasahang magdadala ng mga kalat-kalat na pag-ulan ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa malaking bahagi ng bansa ngayong Linggo, Oktubre 6, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA). 

Sa tala ng PAGASA dakong 4:00 ng umaga, malaki ang tsansang makaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang Bicol Region, Visayas, Caraga, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, at Palawan.

Posible raw ang pagbaha o kaya nama'y pagguho ng lupa sa mga nasabing lugar tuwing magkakaroon ng katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan.

Samantala, inaasahang makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na may tiyansa ng isolated rainshowers o thunderstorms sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, at Central Luzon dahil sa localized thunderstorms.

National

Bam Aquino sa girian sa politika: 'Taumbayan na naman naiipit!'

Medyo maulap hanggang sa maulap na may tiyansa ng isolated rainshowers o thunderstorms din ang inaasahang mararanasan sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa dulot pa rin ng ITCZ.

Maaari rin magkaroon ng pagbaha o pagguho ng lupa rito tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms, ayon sa weather bureau,

Sa kasalukuyan ay may binabantayang low pressure area (LPA) ang PAGASA sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR), ngunit mababa naman daw ang tsansang mabuo ito bilang isang bagyo.