November 13, 2024

Home SPORTS

Ilang volleyball stars pina-auction jersey; tulong sa player na may liver cancer

Ilang volleyball stars pina-auction jersey; tulong sa player na may liver cancer
Photo courtesy: Volleytrails (FB)

Pina-auction ng ilang volleyball stars ang kanilang jerseys upang makatulong sa gamutan ni former Far Eastern University (FEU) Tamaraws volleyball player Kevin Hadlocon para sa gamutan nito sa liver cancer.

Kabilang sa mga manlalarong magpapa-auction ng kanilang jerseys ay sina Premier Volleyball League (PVL) Best Setter Gel Cayuna, La Salle Green Archer ace player Noel Kampton, former FEU standouts na sina Geneveve Casugod at Czarina Carandang at Cignal player Mark Calado.

Sa inilabas na post noong Sabado, Oktubre 5, 2024 ng isang local volleyball page na "Volleytails," na nauna nitong ihayag ang nasabing auctions para kay Hadlocon.

Matatandaang Oktubre 3, 2024 nang manawagan ang pamilya ni Kevin sa kaniyang Facebook account, kalakip ang ilang larawan ng pagbabago sa kaniyang katawan dulot ng pakikibaka nito sa cancer.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

“Kami po ay humihingi ng kaonting tulong pinansyal at taos pusong panalangin para kay Kevin upang siya’y madala sa hospital upang siya’y mapagamot at gumaling,” saad ng naturang post.

Dagdag pa sa nasabing post, noong Hulyo 2023 nang ma-detect umano ang kalagayan ng manlalaro na agad ding lumala dahil sa kakulangan ng pinansyal na pagsuporta.

“Sa mga hindi nakakaalam, siya ay merong bukol sa liver. Last July 2023 ng malaman ito nabigyan ng gamot ngunit natigil dahil sa kakulangan ng pinansyal at medyo lumalala ang bukol sa kanyang liver,” saad pa sa naturang post.

Si Hadlacon ay naunang makilala sa pakikipagsabayan nito sa beach volleyball para sa FEU na minsan na ring pinataob ang koponan ng Malaysia noong 2018.

Kate Garcia