November 23, 2024

Home BALITA Eleksyon

Erwin Tulfo sa political dynasty: 'Let people decide'

Erwin Tulfo sa political dynasty: 'Let people decide'
Photo Courtesy: Erwin Tulfo (FB)

Nagbigay ng pananaw si broadcast-journalist at dating Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo hinggil sa political dynasty nang maghain siya ng certificate of candidacy (COC) sa pagkasenador ngayong Linggo, Oktubre 6, sa The Manila Hotel Tent City.

Sa panayam ng media kay Erwin, sinabi niyang hangga’t wala pa umanong umiiral na batas tungkol sa political dynasty ay hayaan umano ang sambayanan ang magdesisyon kung sino ang iluluklok sa gobyerno.

“Let people decide,” ani Erwin. “Ngayon kung may batas na po then we stop. ‘Yong political dynasty matagal na pong usapin ho ‘yan, e.”

Dagdag pa niya: “I believe hindi po titigil ‘yan hangga’t wala pong batas. Luzon, Visayas, Mindanao. Kaya ang tao ho will decide. [...] Nasa kapangyarihan po ng tao. Kung gusto po nila si Raffy [Tulfo] lang, fine. Walang problema.”

Eleksyon

George Garcia sa eleksyon sa Pilipinas: 'Walang natatalo, lahat nadadaya'

Samantala, hindi naman nagsalita si Erwin tungkol sa umano’y namomonopolyong posisyon ng iilang pamilya sa local government unit dulot ng political dynasty.

“I cannot speak about sa abuses po sa LGU. I don’t know what’s going on down there sa LGU. Because wala pa po sa amin ang tumatakbo sa local government unit,” aniya.

Si Erwin ay kakandidato bilang senador sa ilalim ng Lakas–Christian, Muslim, Democrats o Lakas-CMD.