January 03, 2025

Home BALITA Eleksyon

Bilang ng mga Gen Z voters malaking porsyento nga ba sa eleksyon?

Bilang ng mga Gen Z voters malaking porsyento nga ba sa eleksyon?
Comelec (FB) and pexels

Tinatayang nasa 5.8 million new registered voters ang naitala ng Commission on Election (Comelec) noong  Setyembre 2024 para sa darating na 2025 National and Local Elections (NLE). 

Ayon sa tala ng ahensya, mahigit tatlong milyon sa mga bagong botante ay kababaihan habang dalawang milyon naman ay kalalakihan. Sa rehiyon naman umano ng CALABARZON, nagmula ang pinakamaraming botante na may 974,655 na mga rehistrado. 

Samantala, ayon naman sa ulat ng GMA Integrated News, tinatayang nasa 20 milyon umanong mga Pilipino na mula sa Generation Z ang nakatakdang magbigay ng kanilang boto sa 2025 midterm elections. Ang Gen Z ay binubuo ng henerasyong ipinanganak mula sa taong 1997 hanggang 2012. 

Noong nakaraang 2022 National Elections, pumalo sa 65.7 milyong botante ang naitala ng Comelec kung saan 55 milyon lamang dito ang nakaboto noong Mayo.

Eleksyon

Pagpapaliban ni PBBM na lagdaan ang 2025 nat'l budget, nirerespeto ng ilang mambabatas

Ayon sa pahayag ni Comelec Chairman George Garcia sa panayam ng GMA Integrated News, inaasahan ng ahensya ang pagdomina pa umano ng Gen Z sa darating na eleksyon.“Kung ang pagbabasehan natin yung Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sabihin na natin isama nating yung 15 to 17 years old, ang botante ay almost 24 million. More or less, nag eexpect tayo ng mga hanggang 20 million members of Gen Z na mga kabataan,” ani Garcia.

Kate Garcia