November 24, 2024

Home BALITA Eleksyon

Ben Tulfo, itinangging may ‘political dynasty’ kapag 3 Tulfo naluklok sa Senado

Ben Tulfo, itinangging may ‘political dynasty’ kapag 3 Tulfo naluklok sa Senado
(Photo: MJ Salcedo/Balita)

"We don’t have any district.”

Itinanggi ng broadcaster at senatorial aspirant na si Ben Tulfo, kapatid ni Senador Raffy Tulfo at kapwa senatorial aspirant Erwin Tulfo, na lilikha ng “political dynasty” ang kaniyang pagnanais na mahalal bilang senador ng bansa.

Sa kaniyang pagharap sa media nang maghain ng certificate of candidacy (COC) sa The Manila Hotel Tent City nitong Sabado, Oktubre 5, sinabi ni Tulfo na “dynasty” umano silang magkakapatid pagdating sa pagtulong sa mga tao.

“As to the question of dynasty, yes, we’re [a] dynasty in terms of helping people — in the media first. We broke the record,” aniya.

Eleksyon

George Garcia sa eleksyon sa Pilipinas: 'Walang natatalo, lahat nadadaya'

“I’m sorry, modesty aside, we lorded over helping people. Sabay-sabay kaming magkakapatid and you know us ‘T3’. So is that a dynasty? No, it’s not.”

Ayon kay Ben, wala naman umano silang distrito upang matawag silang “dynasty.”

“We don’t have any district. Maybe on the executive level, you can say that, kapag naggobernador ka o nag-mayor ka, because you have a district. But running for the Senate, it’s a national office, you cannot have a dynasty,” giit ni Ben.

Sinabi rin ng beteranong broadcaster na hindi raw nila kasalanan kung pare-pareho silang magkakapatid ng minahal na propesyon.

“Kasalanan ba namin kung minahal namin ang aming propesyon sa media, na pare-pareho kami ng aming inibig, binigyan ng importansya,” ani Ben.

“Parang pamilya ng mga lawyer. Everybody wants to be a lawyer because the daddy was a lawyer, the mom was a lawyer, so everybody calls them ‘family lawyers.’ Sometimes a family of doctors, family of engineers. Because of the influence of a member of the family, we decided to love the profession and respect the profession and value that particular profession.

“How can you call that a dynasty? It’s not our fault. People are supposed to pick,” saad pa niya.

Matatandaang kamakailan lamang ay inanunsyo rin ni Erwin ang kaniyang kandidatura sa pagkasenador sa ilalim ng senatorial slate ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos na “Alyansa Para sa Bagong Pilipinas.” 

MAKI-BALITA: Erwin Tulfo, tatakbo raw na senador sa 2025 dahil kay PBBM

Taong 2022 naman nang manalo si Raffy bilang senador ng bansa.