November 22, 2024

Home BALITA

‘Bakuna Eskwela’ program ng DOH, DepEd, aarangkada

‘Bakuna Eskwela’ program ng DOH, DepEd, aarangkada
Photo courtesy: Department of Education (FB), Department of Health (Website) and Pexels

Nakatakda nang ilunsad ng Department of Health (DOH) at Department of Education (DepEd) ang “Bakuna Eskwela” na magsisimula sa Lunes, Oktubre 7, 2024.

Sa ulat ng Manila Bulletin, ang naturang programa na “Bakuna Eskwela,” o School-Based Immunization (SBI), ay isang programa ng DOH at DepEd upang protektahan ang mga mag-aaral mula sa mga sakit tulad ng tigdas, rubella, tetanus, diphtheria, at Human Papillomavirus (HPV).

Sa ilalim ng programang ito, lahat ng mga mag-aaral sa Grade 1 at Grade 7 ay mababakunahan ng MR-Td vaccines. Idinagdag din ng DOH na ang lahat ng Grade 4 na batang babae sa mga piling pampublikong paaralan sa buong bansa at sa mga tiyak na lalawigan ay mababakunahan ng HPV sa panahon ng “Bakuna Eskwela” campaign.

Nauna nang mailunsad ang nasabing programa noong 2015 na isinasagawa sa mga pampublikong paaralan noon tuwing buwan ng Agosto, at pansamantalang naudlot bunsod nang pagtama ng Covid-19 pandemic noong 2020.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Ayon sa DOH, ang SBI ay lumipat mula sa school-based patungo sa community-based na pamamaraan dahil sa mga restriksyon sa paggalaw at pagsuspinde ng mga pisikal na klase bunsod ng pandemya.

Kaugnay pa rin ng nasabing programa, naglabas ang DOH ng Department Memorandum No. 2024-250 na tinawag ding “Interim Guidelines on the Resumption of School-Based Immunization (SBI) after the Covid-19 Pandemic,” na naglalayong gabayan ang muling paglulunsad ng SBI.

Kate Garcia