Babalik na ang pinakahihintay na horror filmfest na Sine Sindak 2024 ngayong Oktubre.
Ito ay isang taunang horror film festival na eksklusibong mapapanood sa SM Cinemas mula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 5.
Sa ikalimang edisyon nito, inaasahan ang mas pinatinding takot at kilabot sa mga pelikulang tampok sa festival na ito, na may temang Halloween.
Ngayong taon, ang Sine Sindak ay katuwang ng Viva Films, na may apat na malalakas na entries. Kilala sa hit horror films tulad ng ‘Deleter’, ‘Mary Cherry Chua’, at ‘Marita’, muli nilang ihahatid ang nakakatindig-balahibong movie experience para sa mga manonood.
Kabilang pa sa mga itatampok na lokal na pelikula ang ‘Pasahero’ at ‘Nanay, Tatay’, habang may dalawang international entries rin—’The Thorn: One Sacred Night at House of Sayuri.’
Ayon sa ABS-CBN News, para sa mga gustong makaranas ng buong takot sa Sine Sindak, ₱150 lamang ang presyo ng bawat screening, habang ₱300 ang all-day pass na magbibigay ng access sa lahat ng entries. Mabibili na ang tickets simula Oktubre 9.
Mariah Ang