December 22, 2024

Home BALITA National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'
Photo Courtesy: Bongbong Marcos (FB), PPA Pool Photos via MB (FB)

Nagpaabot ng mensahe si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. para sa mga guro bilang bahagi ng National Teacher’s Day Celebration ngayong Sabado, Oktubre 5.

Sa mensaheng inilabas ng Malacañang, sinabi ng pangulo na kinikilala umano nila ang lahat ng guro sa iba’t ibang panig ng mundo na ibinabahagi ang kahalagahan ng kahusayan at pagsisikap.

“We acknowledge our educators all around the world for imparting the values of excellence and hard work among our students and nurturing them to become the best versions of themselves,” lahad ni PBBM.

Kaya naman patuloy umano nilang pinaparangalan ang mga sakripisyo ng bawat guro sa pamamagitan ng pagsusulong sa mga polisiya at reporma para sa sektor ng edukasyon.

National

Bagyo sa labas ng PAR, pinangalanan nang ‘Romina’; Signal #1, itinaas sa Kalayaan Islands

“On our part, we continue to honor the many sacrifices of our teachers through the many policies and reforms that we have put in place in our education sector. Among these is the Kabalikat sa Pagtuturo Act, which gives public school teachers additional teaching allowance, personal accident insurance. and special hardship allowances,” saad ng presidente.

Dagdag pa niya: “This administration also pursues initiatives aimed at enhancing the skills of our teachers through various professional development and career advancement opportunities so that they can be at par with their international counterparts.”

Sa huli, hiniling ng pangulo ang isang masaya at produktibong pagdiriwang sa lahat ng kaguruan:

“I wish you a joyous and productive celebration,” aniya.

Matatandaang sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni PBBM noong Hulyo ay hinamon niya si Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara na tiyaking maitataas nito ang kalidad ng edukasyon sa bansa.

Bukod dito, binanggit din ng pangulo ang pangangailangang itaguyod ang kapakanan ng mga guro upang makamit ang hinahangad na tagumpay sa edukasyon.

MAKI-BALITA: Hamon ni PBBM kay Angara: 'Tiyakin ang pagbangon, pagtaas ng kalidad ng edukasyon'