December 22, 2024

Home BALITA

Leni Robredo, natanong kung tatakbo ba ulit sa 2028 presidential elections

Leni Robredo, natanong kung tatakbo ba ulit sa 2028 presidential elections

Natanong si dating Vice President at ngayo'y tumatakbong Naga City mayor Leni Robredo kung may balak na siyang kumandidato sa 2028 presidential elections, nang makapanayam ng media sa paghahain niya ng certificate of candidacy (COC) para sa napipisil na posisyon.

Paglilinaw ni Robredo, wala raw siyang planong tumakbo sa pagkapangulo sa nabanggit na halalan.

Bagama't hinihimok siyang tumakbo sa pagkasenador ay mas minabuti raw niyang paglingkuran ang mga kababayan sa Naga.

"Nasubukan ko na mag-legislative, nasubukan ko na mag-executive. Una, mas mahusay ako sa executive position, pangalawa, talagang passion ko 'yong community work, at ito ang buod ng pagiging mayor," ani Robredo.

National

Eastern Samar, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

"Sa Senado, iba ang skill set na kailangan. Sigurado ako kasi naging Congresswoman na rin ako, mas passionate ako sa executive work sa local government," dagdag pa niya sa panayam sa kaniya.

Nang matanong naman kung balak ba niyang tumakbo ulit sa pagkapresidente, sinabi ni Robredo na wala siyang balak.

"Tingin ko magiging unfair para sa city if gagamitin ko lang pagiging mayor bilang jump off point. Hindi ako magiging effective mayor kung ang iniisip ko lang ay 'yong 2028," paliwanag pa ng dating vice president.