November 06, 2024

Home BALITA National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

Ibinahagi ni dating Vice President Atty. Leni Robredo ang pagdalaw niya sa puntod ng yumaong asawa at dating kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Jesse Robredo, nitong umaga ng Sabado, Oktubre 5, 2024.

Sa Instagram story ni Atty. Robredo, ibinahagi niya ang pagbisita niya sa puntod ni Jesse na inilayan niya rin ng isang bulaklak.

“First things first,” saad ni Leni sa caption ng nasabing story.

Matapos nito, pormal na rin siyang naghain ng kaniyang kandidatura sa pagka-alkalde ng Naga City. Ka-tandem ni Robredo sa kaniyang pagtakbo si outgoing Camarines Sur Representative Gabriel Bordado na tatayong Vice Mayor ni Leni, kung sakaling palarin sila sa halalan.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

“Filed and Ready,” saad ng maikling caption ni Leni sa isa pa ring Instagram story, tatlong oras matapos ang pagbisita niya sa puntod ng asawa.

Matatandaang nauna nang kinumpirma ni Leni na ang kaniyang intensyon na tumakbo bilang mayor ng Naga City, na minsan na ring naging posisyon ng yumaong asawa, at nanindigang sarado ang kaniyang desisyong hindi tanggapin ang mga alok na tumakbo sa pagkasenador.

KAUGNAY NA BALITA: Ex-VP Leni Robredo, tatakbong alkalde ng Naga City

Kate Garcia