January 22, 2025

Home BALITA Eleksyon

'Half-human, half-zombie' 'Rastaman', kakandidato bilang senador; pabor sa e-sabong

'Half-human, half-zombie' 'Rastaman', kakandidato bilang senador; pabor sa e-sabong
photo courtesy: MJ Salcedo/BALITA

Susubukan muli ni "half-human, half-zombie" na si "Rastaman," o Rolando Plaza, na makapasok sa politika matapos niyang maghain ng certificate of candidacy (COC) sa pagka-senador ngayong Sabado, Oktubre 5, sa The Manila Hotel Tent City.

Ito rin ang ikalawang pagkakataon na kumandidato siya bilang senador dahil noong 2019 ay naghain din siya ng COC sa parehong posisyon. 

Sakaling mahalal, gusto niya raw ibalik ang e-sabong, na sinuspinde noong Mayo 2022 sa ilalimg ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Bukod dito, dapat din daw labanan ang bansang China.

Eleksyon

Disposal sa 6M-balotang ‘nabalewala’ dahil sa TRO ng SC, sinimulan na ng Comelec

Matatandaang mas umingay ang pangalan ni "Rastaman" noong 2022 nang naghain siya ng COC sa pagka-pangulo, Sinabi niya na siya raw ay isang "half-human, half-zombie."

Idineklara siyang nuisance candidate noon ng Comelec.