December 23, 2024

Home FEATURES Trending

Guro ginawang 'patay' sa Teachers' Day greetings; umani ng reaksiyon sa netizens

Guro ginawang 'patay' sa Teachers' Day greetings; umani ng reaksiyon sa netizens
Photo courtesy: Pinoy Viral sa FB (FB)

Sa kasagsagan ng ilang pakulo ng mga estudyante sa kani-kanilang guro sa magkasunod na paggunita sa National at World Teachers’ Day, tila isang teachers’ day greetings ang animo’y namukod-tangi sa mata ng netizens.

Kumakalat online at ibinabahagi sa iba't ibang social media pages ang pakulo raw ng isang senior high school section, na tila “dinogshow” nila ang kanilang guro. Makikita sa nag-viral na larawan ang tarpaulin ni umano’y “Teacher Micah” na hitsurang naka-layout sa disenyong pampatay. Sa ibaba naman ng nasabing tarpaulin ay isang bulaklak din na kalimitang inilalagay sa puntod ng mga yumao.

Hati ang naging pagtingin ng netizens sa kumalat na larawan ng nasabing teacher’s day greetings. May ilang tila sinakyan ang larawan at binigyan ng iba’t ibang caption.

“Kung hindi ganito, huwag na lang.”

Trending

'Healing the inner teenage phase' ng netizen sa ballpen, maraming naka-relate

“Ma'am happy condolence po, in loving memory and best wishes po.”

“Ginawang patay si Ma’am HAHAHA”

“Tapos kapag nabato ng eraser, ipapaTulfo ninyo.”

“Huwag naman po sanang umabot sa ganito HAHAHA”

“Nilaro niyo na naman si ma’am! HAHAHAHA”

Samantala, may ilang netizens na pinuna ito at sinabing tila kawalan na umano ng respeto sa guro ang ginawa ng mga estudyante bilang teachers’ day greetings sa maestra.

“Let's not normalize disrespect as a form of joke.”

“Respeto naman po sa mga teachers!”

“If you can't discipline your child at home, then don't be so shocked if society will."

“Ibang iba na talaga mga kabataan ngayon. Nakakalungkot!”

“That creativity and humor only applies to the barkada type of relationship.”

“Kung ganito mga student ko, for sure bagsak lahat buong klase nito.”

Wala namang naiulat na opisyal na pahayag ni Teacher Micah, matapos mag-viral ang nasabing larawan.

Kate Garcia