November 22, 2024

Home BALITA Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?
screenshot SMNI News/FB

Sa kabila ng mga panghihikayat na tumakbong senador sa 2025 midterm elections, inanunsyo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na tatakbo siyang mayor ng Davao City, habang ang anak naman niyang si incumbent Mayor Sebastian "Baste" Duterte ay tatakbong vice mayor.

Sinabi rin ni Duterte na posible umanong maging ka-tandem niya si Baste. 

Kaugnay sa usaping politika, binanggit din ng dating pangulo na hindi na niya kayang tumakbo bilang senador dahil na rin umano sa kaniyang edad na 73. 

"Kilala ninyo naman ako, I've been a mayor for so many years now. You think that I can carry a national campaign at my age or you want me to die? Magco-collapse na ako niyan e,” pahayag ni Duterte sa isang press conference sa Davao City nitong Sabado ng gabi, Oktubre 5.

Eleksyon

George Garcia sa eleksyon sa Pilipinas: 'Walang natatalo, lahat nadadaya'

Kung babalikan, mahigit dalawang dekada rin umano naging Davao City mayor si Duterte bago maging pangulo noong 2016. 

Samantala nito lamang Hunyo 2024 nang ihayag ni Vice President Sara Duterte na tatlong Duterte ang tatakbo sa 2025. Kabilang dito ang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte, kapatid na si Congressman Paolo "Pulong" Duterte, at Davao City Mayor Sebastian "Baste" Duterte.

BASAHIN: Tatlong Duterte, tatakbo sa pagka-senador sa 2025

Nitong Agosto naman ibinahagi ni dating presidential legal counsel Salvador Panelo ang advice niya kay Duterte tungkol sa politika.

"Sabi ko, tumakbo kang mayor, and then sa 2028, mag-resign ka tumakbo kang vice president ng anak mo. 'Pag Duterte-Duterte, maniwala ka, lahat ng mga kaalyado mo na bumaliktad lahat, babalik sa'yo 'yan bago magkaroon ng halalan. Bakit? Siguradong kayo ang panalo. Napakalakas n'yong mag-ama. Walang makakatalo sa inyo kahit ano pang gawin," ani Panelo.

BASAHIN: DUTERTE-DUTERTE sa 2028? Panelo, pinupush ang tandem ng mag-amang Duterte

Sa ikatlong araw ng COC filing, nakikiusap umano si Senador at PDP-Laban president Robin Padilla kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbong senador sa 2025 midterm elections.

BASAHIN: Sen. Padilla, nakikiusap kay ex-Pres. Duterte na tumakbong senador sa 2025 elections